Movie Time!


KNOWING:

Isang movie na pag labas ko ng sinehan eh felling ko ang tanga-tanga ko… hehe! Parang Ha?! Ano daw yun?! Parang religious, na may alien, na apocalypse, na global warming… Maganda naman sya yun nga lang kasi ayoko nga ng movie na kelangan ko pa mag-isip… di na entertaining! :p Hehehe! :p

FAST and FURIOUS 4:

Mas Maganda yung una (yung 1) kasi yung una parang feel-good and cool movie na malupit ang kwento at effects.. eto kasi masyadong seryoso, revenge ang tema nya. Sa effects di din masyado spectacular… wala pa din tatalo sa nag sslide sa ilalim ng truck. pero kung fan ka at napanood mo na din lang yung 1-3.. might as well panoorin mo na din.. tapos parang may hint pa sya ng part 5… :p Si michelle rodriguez, yung babaeng mukhang gangster… saglit lang role nya sa simula lang :p

T2: Tenement 2

Psst! Psst! Dapat nasa cinema 1 to ng ATC (ang nasa cinema 1 ay ang DBE) ang daming tao! puno Cinema 3 may pila pa sa labas… maganda sya, nakakatakot! or nakakagulat… mas maganda pa nga kwento nya kesa sukob eh… must see sa movie house kasi madilim at maganda ang sound… PAG DI KA NANOOD KUKUNIN KA NILA, KASI BAD KA! :p Psst! Psst!

DRAGON BALL EVOLUTION:

Kelangan ko lang to panoorin para mapatunayan ko na corny sya. Ang I was absolutely right! Fan ako ng DB-DBZ-DBGT na anime… This one is a loser! :p corny masyado.. basta! naboringan ako… hehe! :p Sa tingin ko dapat ang DB series sa Anime na lang talaga… Compared sa movie adaptation ng Spiderman, Xmen, at Transformers… eto eh Crap :p hahaha! :p Sorry na Goku! If there’s one thing na ok sa movie na ito… yun eh ang anim (6) na “dragonbols” Ni Bulma, Chi-Chi, at Mai! May tig-dadalawa silang dragon ball na may tig iisang star :p hahaha! :p bat kasi ganun.. Uyy! naintriga! Panalo ang Costume! lalo na si Chi-Chi! :p Hahahaha! :p “Must See” :)

Eto naman eh sa akin lang :p hahaha! :p Meron kang free will gamitin mo ito! :p

Looking Forward to: X-Men Origins: Wolverine, Transformers 2, and HP-6

Hanggang Sa Muli!

_________________________________

By: Dennis Christian Angulo

Originally Posted On: www.DENCIO.com

Email Me | Post a Comment | Subscribe to My BLOG (RSS)

Dennis Christian Angulo Web Developer

1 comment:

  1. bili ka Xmen Origins - dvd.
    lupet talaga ng mga pirata . .

    ReplyDelete