WhistleStop – STOP!


IMG_0227

Naku tatagalugin ko ang post na ito! mahirap magalit ng english! Conio yun! Hahaha! Anyway, may meeting kami sa Oracle nung araw na yun, then, nagka-yayaan ng lunch out ang buong department… then biglang may nag tanong sakin kung saan daw masarap na kainan na malapit… eh naisip ko sa Jupiter eh Whistlestop… so yun nga tumawag ako for reservation and then nagpunta kami dun… Masarap naman talaga food dun eh yun nga lang talaga medyo poor ang service nila… and this time it was poorer!

So order na… tapos yung orders namin SUPER TAGAL dumating! Hello?! Nasa Makati po tayo… ang mga tao ay medyo nagmamadali at maraming ginagawa! :p Tapos after namin kumain… ayun pa! na-hassle pa dahil nagkamali-mali pa yung bills! HASSLE TALAGA! Nirecommend ko pa naman yun tapos Ganun lang din pala! Dapat talaga mag training ang mga tao Jan! Naku sana lang! :p

So anyway, sabi ko nga diba, masarap naman ang food eh.. so eto na sila…

Crispy Adobo Again..

Crispy Adobo

Kaka-kain ko lang nung Crispy Adobo sa Via Mare tapos eto na naman.. pero mas masarap ito… Hehehe!

Bangus Belly

Ayan boneless bangus belly.. masarap sya kasi boneless… hehe labo! :p

Beef Salpicao...

Yung ibang food nasa unang post ko na… nag dessert kami, ganun pa din naman ang lasa… :p

Hanggang sa Muli, Paalam! :p

_________________________________

By: Dennis Christian Angulo

Originally Posted On: www.DENCIO.com

Email Me | Post a Comment | Subscribe to My BLOG (RSS)

Dennis Christian Angulo Web Developer

No comments:

Post a Comment